MATAGAL ka man sa pagnenegosyo at magsisimula pa lang, ang paglabas ng bagong produkto ay kritikal. Maraming dapat ikonsidera dito dahil hindi basta-basta ang pagpaplano para rito.
Narito ang pitong bagay na dapat mong pagplanuhan bago sumalang sa bagong produkto mo:
#1 Alamin ang Pangagailangan
Ang solusyon sa isang problema ay madalas na nagtatagumpay kung maayos mong nasaliksik ang pangangailan ng mga tao. Dito ka magsimula. Isulat ang mga ito sa isang kuwaderno o sa telepono mo. Balik-balikan ito hanggang sa mabuo ang tunay na pangangailangan.
#2 Tanugin ang mga Kostumer
Sino pa ba ang bibili ng bago mong produkto kundi ang mga kostumer mo, ‘di ba? Para madaling malaman ang mismong kailangan nila, sila mismo ang tanungin. Mag-survey ka muna. Kahit nga sa Facebook ay may ‘polls’ na magagamit. Puwede rin ang Survey Monkey or Google Docs. Gawin mo na muna ito bago ang mga susunod na hakbang.
#3 Tanungin ang mga Designer
Ang mga designer ng mga produkto ay madalas may mga naiisip na solusyon o iba’t ibang bagay na may kinalaman sa nais mong i-launch na produkto. Tanungin mo sila. Malaki ang maitutulong nila.
#4 Huwag Titigil sa isang Disenyo lang
Kung kuntento ka na sa isang disenyo na malamang ay galing din sa iyo, mali ito. Dapat may pagpipilian ka at ang iyong mga gustong sampulan na kostumer. Paghandaan ang ‘di bababa sa tatlong disenyo na pagpipilian bago magdesisyon.
#5 Materyales
Ang materyales ay isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng isang produkto lalo na sa larangan ng halaga nito at kalidad. Magsaliksik nang husto. Huwag lang aasa sa internet. Magtanong-tanong sa maraming suplayer.
#6 Kapital
Kung ‘di maayos ang pagpopondo sa bagong produkto, magkakaproblema ka. Kaya sa umpisa pa lang, siguraduhing may panggagalingan ka ng pondo para sa ‘product development’. Maraming nagpapahiram ng pera bilang investment o loan. Alamin kung ano ang mas mainam. Sa ganang akin, mas ok ang loan. Kahalili ko ang Fundko.com sa mga loan para sa mga startup at sideline. Check mo sila.
#7 Testing
Kung nabuo mo na ang bagong proukto, isalang sa testing. Kung ilang testing ang kailangan, sige lang. Hanggang sa makuntento ka bago ito ilabas sa merkado.
Mabuti na ang handang-handa kaysa sa minamadali ang paglabas ng bagong produkto. Tandaan, pangalan mo at ng kompanya ang nakataya rito.
—–
Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe [email protected] o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.
Comments are closed.