7 BAGAY NA ‘DI DAPAT GAWIN SA UMAGA UPANG MAS MAGTAGUMPAY

homer nievera

KUMUSTA ka na, ka-negosyo? Sa pitak natin ngayong araw na ‘to, magbabahagi ako ng tips kung paano mas pagandahin ang simula ng  iyong araw. Ito ay upang mapanatili natin ang tema ng tagumpay sa bawat gawain sa buong linggo, tungo sa nais mong matupad – sa negosyo man o buhay. Sabi nga ng manunulat na si Richard Wheatley – kapag nawala ang isang oras sa umaga mo, gugugol ka ng buong araw sa paghahanap nito. Kaya, eto na’t ibabahagi ko ang bagay na dapat alisin tuwing umaga at mapalitan ito ng mas nararapat. Tara na at matuto!

#1 Pagplano ng araw

Simulan natin sa bagay na pinakamahalaga  — ang pagplano sa buong araw. Kapag ‘di mo naiplano ang lahat  ng gagawin (at ‘di dapat gawin) sa isang araw, tiyak na mawawala sa hulog ang lahat ng prayoridad mo. At malamang, magiging paulit-ulit ang mga gawain mo na siya namang magsasayang sa oras mo. Ano ang dapat mong gawin? Isulat ang lahat ng  bagay na naisip gawin, sa gabi pa lang. ‘Yan ay upang sa umaga, alam mo na ang gagawin mo, ‘di ba? Isang “To-Do List” lang ‘yan, ‘di ba? Tandaan mo na malaking kaginhawaan ang matulog na alam mong naiplano mo na ang bukas mo.

#2 Ang magreklamo

Kung sa unang bungad pa lang ng paggising mo ay may nagsabi sa ‘yo ng kanyang mga reklamo, masisira na siguro ang buong araw mo. Kaya ‘di ba, ikaw mismo, ay ‘di dapat na magsimula sa pagrereklamo? Ano ang dapat mong gawin? Tandaan mo na ang bawat sailta na iyong sasabihin ay siyang nagdidikta ng mangyayari sa buong araw mo. Kaya kung sisimulang ito sa pagrereklamo, negatibong vibes ang iyong matatamo. Kaya naman mas makabubuting magkaroon ka ng “Blessings List.” Ito ang mga bagay na siyang ipinagpapasalamat mo sa araw-araw. ‘Di naman kailangang malaking blessings. Kahit mga simpleng  pasasalamat mo na mayroon kang tinitirahan, may nakakain, at kung ano-ano pa. Kapag sinumulan mo ito sa umaga, malaking kaibahan ang mangyayari sa buhay mo.

#3 Trabaho agad

Dahil work-from-home ang setup, isa ka ba doon sa mga taong sasabak agad sa pagtatrabaho pagkagising pa lang? Ang unang oras sa umaga ay ang pinakamahalaga na oras sa araw mo dahil ito ang magdidikta kung ano ang kalalabasan ng araw mo ring iyon. Karamihan kasi ng mga tao ay pinipiling gumising ng huli saoras o may katamarang tumayo agad. Kaya naman maraming oras ang nasasayang sa araw nila. Ang payo ko sa iyo ay huwag munang  magtrabaho agad sa unang oras ng araw mo. Mas unahin ang mga gawaing makatutulong sa pisikal, mental, at ispirituwal  na buhay mo. Mas mahalaga ang mga aspetong ito kaysa  sa pagkakaperahan. Ako, inuuna ko ang pagdarasal at repleksyon. Tapos, tsaka  lang ako sasalang sa ibang gawain at sa pagtatrabaho na. Mas marami akong nagagawa nang mas may pokus. Ikaw, subukan mo rin.

#4 Masyadong maraming desisyon

Marami ka bang bagay na dapat desisyunan sa araw-araw? Ang buhay ng dating CEO ng Apple na si Steve Jobs ay mukhang kakaiba  dahil ang suot niya araw-araw ay iisa lamang – itim na t-shirt at maong. Sabi niya kasi, sayang ang oras sa pag-isip kung ano’ng isusuot niya sa isang araw.  Isang desisyon pa lang iyan, ‘di ba? Ang mga bagay tulad ng ano’ng kakainin sa agahan, kung anong oras ka aalis o mag-sisimulang mag-trabaho ay ilang lang sa mga gawaing dapat desisyunan sa araw-araw. Bukod sa sayang ang oras sa pag-iisip niyo, maaari na namang desisyunan ang mga  ito sa gabi pa lang, ‘di ba? Para tuloy-tuloy na agad ang pag-arangkada ng oras mo, sa umaga pa lang. Kung nakapagplano ka na ng mga gagawin sa gabi pa lang, isama mo na pati ang mga maliliit na gawain.

#5 ‘Di pag-set ng time limit

Maraming bagay sa ating araw na wala tayong nai-set na time limit. Halimbawa, ang sobrang tagal sa pagkain ng agahan, o oras na gugulin sa banyo, at iba pa. Kung naka-set na ang limit mo sa oras na gugugulin mo, mas marami kang magagawa pa na mas mahalaga. Ganoon lang naman kasimple iyan gaya ng pag-set ng time limit sa miting, ‘di ba? ‘Di naman ibig sabihin na lahat ay de numero ka. Ang mahalaga ay alam mo kung ano’ng mga  bagay ang ‘di dapat pinahahaba ang oras upang ito’y magampanan.

#6 Mga distraksiyon tulad ng social media

Aminado naman ako na ang unang dinadampot ko pagkagising ko ay ang aking cellphone. Tsinetsek ko agad ang  mga emails ko at messeges mula sa iba’t ibang apps ko kasama na ang Facebook. Minsan talaga, napapahaba ang oras ko sa Facebook. Kaya alam ko kung gaano kalaking oras ang nawawala sa social media. Simple lang ang gagawin dito, ‘di ba? Bawasan ang oras sa social media lalo na sa umaga. Bawi ka na lang pag-break mo, ok?

#7 Sobrang matamis na pagkain sa umage

Kung ikaw ay nangangailangan ng kape sa umaga upang magising ang isip at diwa mo, ok! Pero kung matatamis na pagkain agad ang kakainin mo sa umaga pa lang, ‘di iyon ok. Yun nga lang, ang mga pagkain ng tinapay, kanin, at iba pang carbohydrates ay tipikal sa mga Pinoy. Ang kapeng may asukal ay ganoon din.   Ngunit ang asukal kasi ay mag-boost man ng enerhiya mo, mabilis din itong bumabagsak. Kaya sa kalagitnaan ng araw mo, inaantok ka na o kaya ay tila nanghihina. Ano’ng dapat gawin? Bukod sa pagbawas ng  matatamis na pagkain, mas makabubuting gawin na rin ang  preparasyon sa kakainin mo sa gabi pa lang. Maipaplano mo na rin ang laman ng mga kakainin mo. Isa pa, baka mas makabubuting ang pagkain o  pag-inom ng labis na matamis ay iwaksi mo na rin sa diyeta mo nang tuluyan.

Konklusyon

Tandaan mo na maraming habits o kinagawian na ‘di maganda lalo na’t sa unang oras ng umaga mo gagawin. Planuhin ang araw sa gabi pa lang at alisin ang ‘di makatutulong sa ‘yo. Sa lahat ng bagay, magpasalamat sa Diyos at magsipag, magtiyaga at maging positibo sa  buhay at negosyo. God bless po!

vvv

Si Homer ay isang serial techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com na email.

5 thoughts on “7 BAGAY NA ‘DI DAPAT GAWIN SA UMAGA UPANG MAS MAGTAGUMPAY”

  1. 926781 193399Ive been absent for some time, but now I remember why I used to really like this weblog. Thank you, I will try and check back more often. How regularly you update your internet web site? 800221

  2. 313890 891623Utilizing writers exercises such as chunking. They use several websites that contain several creative writing exercises. Writers read an exercise, and do it. 349937

Leave a Reply

Your email address will not be published.