7 BAGONG NATIONAL ARTISTS KINILALA NI DUTERTE

NATIONAL ARTIST AWARD

GINAWARAN ng pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte  bilang bagong National Artists ang 7 indibidwal sa simpleng seremonya na ginanap kahapon sa Malakanyang.

Ang binigyan ng prestihiyosong National Artist Awards ay sina Francisco Mañosa sa Architecture, Eric de Guia alyas Kidlat Tahimik para sa Film, Ramon Muzones at Resil Mojares, kapwa sa Literature, Ryan Cayabyab para sa Music, Amelia Lapena Bonifacio para sa Theater at ang kilalang car-toonist na si Lauro ‘Larry’ Alcala para sa Visual Arts.

Tumanggap din ng cash reward ang mga bagong national artist at tatanggap din sila ng monthly life pension, medical at hospitalization benefits.

Ang Order of National Artists (Order ng Pambansang Alagad ng Sining) ang pinakamataas na national recognition na ipinagkakaloob sa mga Filipi-no na nakapag-ambag ng makabuluhang kontribusyon para sa pag-unlad ng sining sa  Filipinas. EVELYN QUIROZ