PINAG-AARALAN na ng oversight committee ng Kamara ang pagbubukas ng bagong ruta para sa Roll-On Roll-Off o RORO para mapababa ang presyo ng pagkain sa bansa.
Ang pagbabalik ng RORO na unang ipinatupad noong panahon ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Arroyo ang nakikitang solusyon para sa nagtataasang presyo ng mga produkto at ser-bisyo.
Sa pagdinig ng Kamara sa Cebu Port Authority, sinabi ni Arroyo na pitong bagong ruta ang planong buksan ngayong taon para sa paghahatid ng pagkain at serbisyo mula sa Mindanao patungong Visayas at Luzon.
Pinasinungalingan din ni Arroyo ang lalong pagmamahal ng pagkain kung idadaan sa RORO dahil sa dagdag na singil sa logistics, weighing methods, kawalan ng reefer vans at mahal na singil sa trucker fees.
Paliwanag ng Speaker, ang DPWH na ang mangangasiwa sa weighing scale habang hindi rin totoo na kulang ang reefer van o ‘yung may refrigeration na sasakyan.
Hinikayat din nito ang Department of Agriculture (DA) na ipabatid sa mga magsasaka na maaaring gami-tin ang compartmentalized reefer vans.
Aatasan naman ng Speaker ang isa pang oversight committee ng Kamara upang silipin ang sinasabing mahal na trucker fees. CONDE BATAC
Comments are closed.