SA ikatlong pagkakataon ng Olympic Games sa larangan ng palakasan sa nakalipas na ilang taon ay muling lumahok sa 2024 Paris Olympics ang 27-anyos na Egyptian competitor.
Hindi kabilang sa mga itinuturing na world-class athlete si Nada Hafez subalit hindi naging hadlang ang pagiging 7-buwang buntis para makipagpaligsahan sa nasabing events.
Si Hafez ay naunang lumahok sa Rio Olympics noong 2016 at 2020 Tokyo Olympics kung saan nakatala siya bilang ika-36th at 29th atleta at ngayong 2024 Paris Olympics ay sinopresa niya sa publiko ang kanyang pagbubuntis matapos ang match sa fencing.
Kabilang si Hafez sa 64 competitors sa women’s sabre individual at napabilang sa final16 subalit tinalo siya ng Koreano na may score na 15-7. Bagaman hindi nagwagi sa fencing games ay sinabi nitong “I’m lucky dahil kasama niya ang little Olympian one”.
Nagpasalamat si Hafez sa kanyang mister at pamilya dahil sa ipinakitang suporta.
“I’m writing this post to say that pride fills my being for securing my place in the round of 16!” pahayag ng nasabing atleta.
Base sa record ng International Fencing Federation, si Hafez ay dating kasama sa national gymnastics champion sa Egypt at sa kanyang Instagram account ay isa siyang clinical pathologist at nakapag-aral ng medisina sa Cairo University.
MHAR BASCO