LAGUNA-BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Calabarzon Highway Patrol Group ang pitong pangunahing carjacker na nag-ooperate sa Timog Katagalugan sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite, Batangas at Rizal nitong Linggo ng umaga.
Sa pahayag ni Lt.Col. Bernard Marzal, HPG Director, unang nadakip ang isang teenager na tumatayong spotter ng mamahaling motorsiklo at iba pang sasakyan.
Agad namang itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing teenager para sa kinakaharap nitong kaso.
Base sa report ng tanggapan ni Marzal, ang iba pang lider na nadakip sa magkakahiwalay na operasyon ay sina, Chucky Hernandez , Emilio Garcia, Joan Celis, Patrick Nagtalon, Sander Simera at Syrone Jae Garabiang.
Ang mga nasabing suspek ay naaresto sa kanilang mga hideout sa Antipolo, Rizal; Imus, Cavite at Nasugbu, Batangas.
Ang warrant ay inisyu ng tanggapan ni Judge Miguel Asuncion ng RTC branch # 99 ng Antipolo City.
ARMAN CAMBE