7 CHINESE NA NANGIDNAP NG KABABAYAN NALAMBAT

Kidnap for ransom

PAMPANGA – NADA­KIP  ng mga tauhan ng PNP- Anti Kidnapping Group ang pitong Chinese sa  rescue operations sa Subic Bay Freeport Zone.

Kinilala ni Police Lt. Col. Joel Saliba, Spokesperson ng AKG, ang mga  suspek na sina Tang Rui Ting, Zhan Yang Feng, Chen Yi Ben, Xiang Quing, Shi Rui Long, Zhang Xiao Long at Wu Fan na naaresto noong nakalipas na Sabado.

Sa paunang  imbestigasyon, dating nagtatrabaho bilang personnel assistant sa Exkinum Corporation ang biktimang si Ming Xuangbo.

Nag-resign ito bilang empleyado nang mapag-alamang ilegal pala ang kompanya pero hindi siya pinayagang makalabas hangga’t ‘di nagbabayad ng 19,000 RMB.

Natimbog ang 7 matapos magpasaklolo ang kaibigan ng biktima sa mga pulis. Nakatawag pa kasi si Xuangbo noong gabi ng Nobyembre 1 na ayaw siyang pakawalan ng mga kasamahan sa trabaho.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention. REA SARMIENTO

Comments are closed.