7 CHINESE TIMBOG SA CARD FRAUD

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang pitong Chinese dahil sa panloloko sa credit card at tangkang panunuhol sa  mga operatiba para sa kanilang paglaya sa Quezon City at Paranaque.

Sinabi ni NBI Director Judge Jaime  Santiago na ang pagkakaaresto sa kanila ay bunsod  sa mga reklamo na kanilang natanggap sa ilang indibidwal sa pamagitan ng  vishing, smishing, phishing, click-baiting, pretexting, whaling at iba pa na nagresulta  sa  illegal access na  sa kalaunan ay nagagamit ang kanilang mga credit card credentials na hindi nila ito nalalaman.

Bunsod nito, isinagawa ng NBI- Cybercrime Division (NBI-CCD) ang nasabing operasyon kung saan nagkasundo ang mga operatiba at mga suspek na magkikita upang pag-usapan ang kanilang mga plano.

Sa isinagaawang entrapment, naaresto ang dalawang Chinese na sina Sun Je at Lee Ching Ho.

Tinangka ni Sun Jie na suhulan ng P1.5 million ang mga operatiba kapalit ng kanilang paglaya at  mabubura ang kanilang kaso. Sinabi pa ni Sun na  ibibigay ito ng kanilang mga kaibigan kung palalayain sila.

Kunwaring kinagat ng mga operatiba ang kanilang alok  para sa isang entrapment operation at nagkasundong magkikita sa parking lot ng NBI Main Ofice sa Quezon City kung saan inaresto ito sa loob ng kanilang sasakyan.

Narekober sa loob ng kanilang sasakyan ang isang  military-grade smoke-grenade.

Si Sun Jie at Lee Ching Ho ay kinasuhan ng paglabag sa Section 3(s)  ng  RA No. 11449 (Access Devices Regulation Act) at Article 212  ng  Revised Penal Code (Corruption of Public Officials) habnag si  Jenny Pan, Zhao Zheng, Dong Jianhua ,  Yuan Bien at Shao Wen Hu  at kinasuhan ng paglabag sa Article 212 ng  Revised Penal Code and RA No. 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Act).

PAUL ROLDAN