7 COMMERCIAL ESTABLISHMENTS NASUNOG

NILAMON ng apoy ang pitong magkakadikit na commercial establishments na nasa kanto ng Dove at Peacock Streets sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-9:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa isang building na kinaroroonan ng naturang pitong commercial establishments na pagmamay-ari ng isang Cely Lynette Arzaga, 45-anyos.

Kabilang umano sa mga unang nasunog ay ang hilera ng mga tindahan ng damit, bakery at tindahan ng itlog.

Agad na itinaas sa unang alarma ang sunog nang kumalat sa mga katabi pang gusali kabilang ang isang motorshop, milk tea shop at dalawa pang stall.

Ayon sa Quezon City Task Force Disiplina, rumoronda sila nang makita ang usok sa isa sa mga establisimiyento at nang lapitan nila ay may umaapoy na sa bubong nito kaya’t inireport sa mga awtoridad.

Sinubukan pa umano nilang apulahin ang sunog pero hindi na umano ito kinaya. Wala namang mga tao sa loob ng gusali ng maganap ang sunog dahil sarado na rin ang mga tindahan.

Isa sa iniimbestigahan ng sanhi ng sunog ay electrical short circuit at tinatayang sa P500,000 ang halaga ng mga ari-arian ang natupok. Naapula ang apoy bandang alas-10:00 ng gabi. EVELYN GARCIA

6 thoughts on “7 COMMERCIAL ESTABLISHMENTS NASUNOG”

  1. 694284 981091Hi, Neat post. Theres a problem along with your website in internet explorer, would test this IE still is the market leader and a big portion of people will miss your wonderful writing because of this problem. 706104

Comments are closed.