CAVITE – ISA ang napatay habang pito naman ang nasakote ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A) sa inilatag na magkahiwalay na anti-drug operation sa bayan ng General Mariano Alvarez at General Trias City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang napatay na drug dealer na si Leo Sipat matapos itong kumasa sa arresting team kaugnay sa bentahan ng droga sa bahagi ng Sitio Sulukan, Brgy. Pasong Camachille 1 sa General Trias City.
Arestado naman sina Maru Grace Lugue, Jun Martilla at Jhonsel Endaya kung saan narekober sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng shabu, Magnum 357, mga drug paraphernalia at P300 marked money.
Samantala, ikinasa na rin ang anti-drug operation sa bahagi ng Brgy. F. De Castro sa bayan ng General Mariano Alvarez kung saan naaresto ang mga suspek na drug dealer na sina Theodore “Bilog” Kundert, 23; Jaymar Madinancil, 20; alyas Bebe, 20; at si Zedrick Nayan, 25, pawang nakatira sa nasabing barangay.
Nasamsam sa mga suspek ang 3 plastic sachet naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at P200 marked money na ginamit sa drug operation. MHAR BASCO