BULACAN – 13 KATAO kabilang ang pitong sangkot sa droga ang nadakip ng Bulacan PNP sa serye ng buy bust operation at police response sa iba’t ibang kaso kaugnay ng mas pinaigting pang Project Double Barrel Reloaded.
Base sa report ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, Bulacan, pitong sangkot sa droga ang nasakote sa i anti-illegal drug operations ng Drug Enforcement Unit(DEU)sa mga bayan Marilao, Pulilan at San Miguel.
Ayon kay P/Major Avelino Protacio, Pulilan police chief, umabot sa kabuuang 11 pakete ng shabu,drug paraphernalias at marked money ang narekober ng pulisya sa mga buy-bust operation sa bayan ng Pulilan at Marilao at nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.
Samantala,anim na iba pang suspek ang nadakip ng pulisya sa mga police response sa mga bayan ng Hagonoy,,Sta.Maria at San Jose del Monte City dahil sa mga kasong robbey at Qualified theft.
Nabatid na mas pinalakas pa ngayon ng Bulacan PNP ang Project Double Barrell Reloaded na nakatutok sa illegal drugs at sa lahat ng uri ng kriminalidad sa lalawigan bunsod ng direktiba ni P/Brig.Gen.Rhodel Sermonia,regional director ng Police Regional Office 3, MARIVIC RAGUDOS