CAVITE – PITO katao na sinasabing durugista ang inaresto ng mga awtoridad makaraang maaktuhang bumabatak ng shabu sa madilim na bahagi ng Tabing Dagat sa Barangay Maliksi 3, Bacoor City kamakalawa ng gabi.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Ramil “Gaga”Anticpo y Halen, 34; Jitney driver, ng Balga Copmpound, Barangay Maliksi 3, Bacoor City; Mario Hepolito Jr. y Tamayo, 38, mechanic, ng # 117C Cabulsan St., Brgy. Maliksi 1, Bacoor City; Arjie “Kalbo” Ballenas y Pepito, 25, construction worker, ng Block 1 Lot 7 Phase 4 George Town Subd., Brgy. Molino 4, Bacoor City; Anthony Cabayacruz y Lepalang, 26, ng #2131 Brgy. Maliksi 3, Bacoor City; Jesus “Don Don” Canton y Patino, 26, ng # 2165 Brgy. Maliksi 3, Bacoor City; Mariano Besipulo Jr. y Purgas, 31; at si Alvin Perarin y General, 41, fish vendor, kapwa nakatira sa Tabing Dagat, Brgy. Maliksi 3, Bacoor City, Cavite.
Lumilitaw sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, inireklamo sa barangay hall ng ilang residente ang mga suspek na masyadong nakabubulahaw ang sigawan kaya humingi ng tulong ang ilang opisyal ng barangay sa pulisya.
Gayunman, mabilis na rumesponde ang mga opertiba ng pulisya kung saan naaktuhan ang mga suspek na bumabatak ng shabu sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.
Kaagad na inaresto at pinosasan ang mga suspek na sinasabing lango sa droga kung saan nasamsam ang 15 gramo ng shabu, mga drug paraphernalia, 4 aluminum foil, 2 tube pipe weighing scale, 5 disposable lighter at 1 surgical scissor.
Isinailalaim sa drug test at physical examination ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman ang nasamsam na shabu na gagamiting karagdgang ebidensiya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165. MHAR BASCO
Comments are closed.