7 FIL-FOREIGNERS SA PBA ROOKIE DRAFT

PBA ROOKIE DRAFT-2

PITONG Fil-foreigners na kabilang sa potential top pick ang nag-apply na para sa PBA Rookie Draft na nakatakda sa Disyembre 16.

Pinangungunahan ni Lyceum star CJ Perez ang rookie prospects na may foreign blood  na nagpahayag ng intensiyon na sumampa sa PBA.

Kasama ni Perez, ang NCAA Season 93 MVP,  sina Matthew Salem, Carlos Isit, Paul Varilla, Robbie Mana­lang, Trevis Jackson at John Ragasa.

Sina Isit, Manalang, Salem at Varilla ay pawang naglaro sa UAAP at NCAA.

Ang deadline ng draft application para sa foreign-bred pla­yers ay nagtapos noong ­Oktubre 26.

Ang mga local player ay mayroon namang hanggang ­Disyembre  3 para magsumite ng kanilang aplikasyon.

Ngayon pa lamang, si Perez na binansagang ‘Baby Beast’ ay lumulutang na magi­ging no. 1 pick, kasama sina fellow stalwarts Bobby Ray Parks at Robert Bolick.

“The documents and eligibility of Perez and the rest of the Fil-foreign players will still be subject for review, with the final list of those who qualified to be released on Dec. 3,” ayon sa PBA.

Samantala, ang official list ng rookie applicants ay malalaman sa Dis. 14 o dalawang araw bago ang draft.

Ang traditional Draft Combine, kung saan ang mga aspi­rante ay magkakaroon ng pagkakataon na ipamalas ang kanilang kakayahan, ay gaganapin sa Disyembre 12 at 13.

Comments are closed.