QUEZON CITY – PITONG sunog ang naitala sa kasagsagan ng holiday season.
Gayunman, inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) na mas mas mababa ng 82 porsiyento kumpara nang nakaraang taon.
Ayon kay BFP spokesperson Supt. Joanne Vallejo, sa kaparehong panahon ay nakapagtala ng 34 na insidente ng sunog noong nakaraang taon
Sa naitalang pitong sunog, ang anim ay naganap sa National Capital Region habang ang isa naman ay naitala sa Ilocos Region.
Habang isa naman na firecracker-related na naganap noong Disyembre 26 sa Bocaue, Bulacan. PILIPINO Mirror Reportorial Team