7 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS PINABALIK SA BANSA

NAALARMA ang Bureau of Immigration (BI) sa walang humpay o pagtaas ng human trafficking victims matapos pabalikin noong Oktubre 23 ang pitong biktima ng modus na ito.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang pitong babaeng biktima ay nasa 20 hanggang 30 ang edad at nagtrabaho bilang surrogate mother upang maiahon sa kahirapan ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Nadiskubre sa talaan ng Immigration na ang tatlong biktima ay umalis bilang mga turista at ang alegasyon ay bibisita sa kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa at ang apat ay nakaalis sa ilegal na paraan.

Dagdag pa ni Viado, karamihan sa mga ito ay na-recruit via online at kanilang mga recruiter ang gumagawa ng paraan upang makaalis sa lalong mada­ling panahon.

Batay sa record ng Immigration ang Pilipinas ang tinatarget ng human traffickers, kung saan inoo­peran ang mga ito ng malaking halaga upang madaling magoyo ang mga Pinay.

FROILAN MORALLOS