NAKAPAGTALA ang pinakamaliit na local government unit (LGU) sa Metro Manila na munisipalidad ng Pateros ng kabuuang 7 kaso Delta variant na kasabay ng nakaaalarmang pagtaas ng kasos ng coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay napag-alaman sa ulat na iprinisinta ni Dr. Alethea de Guzman, director of the Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau na nagpapakita na ang kaso ng Delta variant sa munisipalidad ay umabot ng pito mula sa tatlong kaso noong Agosto 15.
Ang Delta variant ay isang strain ng SARS-CoV-2 na nagdudulot ng COVID-19.
Sa kanya namang live online broadcast ay sinabi ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III na ang munisipalidad ay nahaharap sa mataas na kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Ponce na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa munisipalidad ay umakyat sa 433 mula lamang 109 bagong kaso ng virus na naitala noong Agosto 25.
“We really need to guard places that have many positive cases, or those with clustering of cases to ensure that COVID-19 will not spread in our municipality,” (Kailangan talaga nating bantayan ang mga lugar na maraming positibong o ang mga may clustering ng kaso upang masiguro na hindi na kumalat pa ang COVID-19 sa munisipalidad) ani Ponce.
Ang magandang balita pa rito, ani Ponce, sa mga nagpositibo ay 90 porsiyento ay mga asymptomatic dahil karamihan sa mga residente ng munisipalidad ay mga bakunado na na nagpapatunay na maganda ang epekto ng pagpapabakuna sa munisipalidad.
Sinabi din ni Ponce na sa naiulat na namatay noong Agosto 1 na 6 hanggang 7 pasyente ng COVID-19 ay apat hanggang lima sa mga ito ay hindi bakunado.
Nakipagpulong na rin si Ponce sa mga barangay chairman sa munisipalidad kung saan napagkasunduan na isumite ang listahan ng mga lugar na isasailalim sa pocket lockdowns.
Dagdag pa ni Ponce na ang mga isasailalim sa lockdown ay ang mga lugar na mayroong mga nagpositibong kaso ng COVID-19 at kanilang mga close contacts at wala nang papayagang makalabas sa lugar kahit pa ang mga ito ay APORs (authorized persons outside of residence). Marivic Fernandez
Comments are closed.