CAMARINES SUR- PITO katao ang namatay makaraang makulong sa nasunog na apartment na tinatayang P1 milyon ang halaga ng ari-ariang naabo sa Brgy. Vinagre, bayan ng Tigaon ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Tigaon Municipal Police Station at Arson investigator ng Camarines Sur Bureau of Fire Protection, kinilala ni SFO1 Jonathan Boncodin ng Bureau of Fire Protection-Tigaon ang mga biktima na sina Angelica Cea, 23-anyos; Jayson Verdejo, Gerald Cea, 13-anyos; Leana Isabel Cea, 7-anyos; Aliyah Cristina Cea, Art Jay Don Verdejo, 3-anyos at isa pang menor de edad na bineberipika pa ang pagkakakilanlan.
Ayon kay Boncodin, naapula ang apoy sa loob ng isang oras kung saan lumabas sa inisyal na imbestigasyon naiwang kandilang ang pinag-mulan ng sunog at dahil sa light materials ang dalawang palapag ng apartment kaya mabilis itong kinain ng apoy.
Kasalukuyan pa ring walang supply ng kuryente ang maraming bayan sa lalawigan ng Camarines Sur dahil sa pananalasa ng supertyphoon Rolly. VERLIN RUIZ
Comments are closed.