7 KATUTUBONG KALINGA NA ARMADO ARESTADO

katutubong kalinga

ISABELA – PITONG  kalalakihan ang namataan ng mga kagawad ng Aurora Police Station sa isang abandonadong bahay sa Barangay Ballesteros, Aurora na kahina-hinala ang mga kilos at may mga dalang mga baril at granada.

Ang mga naaresto ng PNP Aurora na pinamumunuan ni P/Capt. Villamor Andaya, hepe ng nasabing himpilan ay sina Roger Buccasan, 28, residente ng Appas, Upper Lubu, Kalinga, na may dalang Remington Kalibre .45 na may isang magazine at anim na bala, Dario Balaybay, 49, residente rin ng Upper Lubu, Kalinga, isang colt 45, may isang magazine at limang bala.

Kabilang sa naaresto sina alyas Jay 19, na may sukbit na kalibre .45, Pio Bana, 52, isa ring kalibre .45 baril ang dala, Heartwin Banna, 22, isang kalibre .39, baril, Eddie Bannao, 34, isang .38 revolver na puno ng bala at ang ikapito ay si alyas Mik, 16-anyos, na nakumpiskahan ng isang granada.

Ang mga naaresto ay pawang katutubong Kalinga.

Una nang nagsumbong ang concerned citizen sa awtoridad na may nagtatago sa bahay ni dating Barangay Kapitan na si Carlito Molina, sa Barangay Ballesteros. IRENE GONZALES