QUEZON CITY – PITONG lalaki ang inaresto ng mga tauhan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr. sa magkakahiwalay ng anti-illegal drug-criminality operations sa lungsod na ito.
Arestado ng La Loma Police Station (PS1) sa ilalim ni Supt. Robert Sales sina Ronnie Buenaventure, 34, Brgy. Paang Bundok at Randy Cabejo, 31, ng Bulacan, bandang alas-4:30 ng hapon noong Nobyembre 1 sa Blumentritt Extn. St., Brgy. Paang Bundok. Kung saan nakuha mula sa kanila ang 10 pakete ng hinihinalang shabu, (1) improvised glass pipe na may traces pa ng dried marijuana leaves at ang buy bust money.
Habang si alyas Bien, 18, at Adrian Tumang, 26, kapuwa mula sa Manila ay inaresto ng pulis bandang alas-2:00 ng umaga kahapon sa A. Bonifacio St. corner Mariveles St., Brgy. Paang Bundok.
Matapos pahintuin sa isang Oplan Sita, ang suspek nang makita ang mga pulis ay inihagis ang pakete ng shabu sa lupa habang si Tumang naman ay nakuhanan ng pakete ng shabu.
Nadakip din si Jaywil Tullao, 26, ng Brgy. N.S. Amoranto, bandang 11:30 ng gabi noong Nobyembre 1 sa Amoranto St. corner Ipo St., Brgy. Salvacion.
Ito ay matapos mahuli na umiihi sa pampublikong lugar na kalaunan ay nakuhanan pa ng pakete ng shabu.
Arestado rin ng PS 1 ang suspek na si Ivan Baldon, 20-anyos, ng Brgy. Salvacion,bandang alas-10:00 ng gabi, Nobyembre 1, 2018, sa kahabaan ng Halcon St., Brgy. Salvacion matapos makuhanan ng pakete ng shabu.
Haharap ang mga drug suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Habang sinabi naman ni Esquivel na “I commended my officers and men for their relentless effort in the campaign against illegal drugs.” PAULA ANTOLIN
Comments are closed.