NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng shellfish mula sa pitong lugar sa Western Visayas makaraang magpositibo ang mga ito sa nakakalasong red tide o paralytic shellfish poison.
Sa abiso ng BFAR, ang mga apektadong lugar ay ang Saplan Bay (Ivisan at Saplan sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan); coastal waters ng Panay, Capiz; coastal waters ng President Roxas, Capiz; coastal waters ng Roxas City, Capiz; coastal waters ng Pilar, Capiz; coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; at coastal waters ng Altavas, Batan at New Washington sa Batan Bay, Aklan.
Nauna na ring itinaas ang red tide alert sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are not safe for human consumption,” ayon sa BFAR.
Ligtas namang kainin ang isda, hipon, at alimasag basta sariwa ang mga ito at huhugasang mabuti, at tatanggalin ang internal organs tulad ng bituka at hasang bago lutuin.