7 LUMABAG SA CURFEW TIKLO SA BARIL AT SHABU

KULONG ang pito katao matapos makumpiskahan ng baril at shabu makaraang masita sa paglabag sa curfew hours sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City kamakalawa.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang mga suspek na sina Jomari Calilap, 28-anyos; Gilbert Roldan, 32-anyos; Ariel Aujero, 44-anyos; Armando Villanueva, 42-anyos; at Jan Dave Elchico, 29-anyos, pawang mga residente ng Caloocan City.

Dakong ala-1 ng madaling araw nang magsasagawa ng Oplan Galugad sa kahabaan ng Pangako St., Brgy. 151, Bagong Barrio ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa ilalim ng pamumuno ni Lt Julius Villafuerte kung saan napansin ang lima katao na gumagala sa lugar.

Sinita ang mga ito at nang lapitan ng mga pulis upang alamin ang kanilang pagkakilanlan para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay nagtakbuhan ang mga suspek at nagtangkang tumakas.

Nang kapkapan ay nakumpiska sa mga suspek ang limang sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 5.81 gramo ng shabu na may standard drug price P39,508 at isang cal. 38 revolver na may pitong bala.

Bandang ala-1:40 naman ng madaling araw nang maaresto rin ng mga tauhan ng Sta Quiteria Police Sub-Station 6 sina Cindy Cleofas, 29-anyos at Cynthia Chuidian, 58-anyos, kapwa residente ng Caloocan City.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.91 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P12,988 ang halaga.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Caloocan detention cell. VICK TANES

8 thoughts on “7 LUMABAG SA CURFEW TIKLO SA BARIL AT SHABU”

  1. 12758 674933For anybody who is interested in enviromentally friendly issues, may well possibly surprise for you the crooks to keep in mind that and earn under a holder basically because kind dissolved acquire various liters to important oil to make. daily deal livingsocial discount baltimore washington 353594

Comments are closed.