RIZAL- HINDI na nagawa pang iligtas ang sa tiyak na kamatayan ang pitong magkakamag-anak matapos na hindi makalabas sa kanilang tinitirhang bahay ng nilamon ng apoy pasado alas-10 ng gabi sa Taytay kahapon.
Batay sa report, na trapped umano ang mga ito sa kanilang bahay sa Brgy. San Juan nang magsimulang kumalat ang apoy sa dahilang masyadong masikip ang daan para makalabas ang mga biktima at ang kanilang bahay ay nasa dulong dulo kung kaya’t na trapped ang mga ito.
Kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang taong gulang na bata, siyang pinakabatang biktima habang ang pinakamatanda naman ay 60 taong gulang.
Ayon kay Taytay Fire Marshal Inspector Raymond Cantillon, natagpuan ang mga katawan nito sa kusina at restroom na bahagi ng kanilang bahay.
Base sa paunang report ng imbestigador ng Taytay Fire Station, sinubukan pa umano ng mga biktima na lumabas sa nasusunog nilang bahay ngunit nabigo ang mga ito dahilan sa mabilis na pagkalat ng apoy at wala silang madadaanan.
Nabatid nagsimula ang nasabing sunog dakong alas-10 ng gabi kung saan ay idineklara itong fire out ng mga pamatay sunog dakong alas-11:05 ng gabi.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ng pamatay sunog kung ano ang dahilan at saan nagmula ang naturang insidente. EVELYN GARCIA/ELMA MORALES