BATANGAS- SUMUKO ang pitong kabataan na miyembro ng Milisyang Bayan at kabilang sa NPA’s intelligence movement sa Rosario.
Sinabi ni Lt. Col. Ernesto Teneza, commander ng 59th Infantry Battalion, sa koordinasyon sa mga pulis, naplantsa ang pagsuko ng mga batang rebelde kasama ang kanilang mga magulang at kaanak na pawang taga-Barangay Tulos.
Ang mga batang rebelde ay miyembro ng SINAG 1 mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4C na pawang nasa edad 13 hanggang 17 at pinapa galaga ngayon sa Social Welfare and Development. PMRT