7 NALAMBAT SA MANHUNT OPERATIONS NG PULISYA

arestado

BULACAN – NADAKIP na ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa magkakahiwalay na operasyon sa ibang lugar ang number 4 at 5 most wanted, habang arestado rin ang walong iba pa.

Sa report ni PNP Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna kinilala ang most wanted  no. 4 na si Randy Pangilinan y Regala, 46, ng Block 7, Lot 16, Fiesta Homes, Brgy, Malpitik, at Rommel Pangilinan y Regala, 55-anyos, No. 5, na kabilang sa top 10 most wanted person ng Agoncillo St., Brgy, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.

Ayon kay  P/Lt.Col Arwin  Tadeo ng Bulacan Provincial Intelligence Branch (PIB) at Regional Intelligence Unit-3, ang nadakip na suspek ay kapwa sangkot sa dalawang kaso ng Qualified Rape na may  criminal case number 4216-M-2014 at 4217-M-2014 na inilabas ni Hon Presiding Judge Gregorio B. Elarmo, Jr ng  RTC Br. 77 ng Malolos.

Habang si Rommel na may limang kaso ng qualified rape at may criminal case  number 4218-M-2014 at 4233-M-2014 na inilabas din ni Hon Presiding Judge Gregorio B. Elarmo, Jr.

Samantala, naaresto ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Manglo, ng Norzagaray ang limang wanted persons na sina Apolinario Eller-ma, 54, Brgy Matictic, Ryan Mudlong, 36, Brgy. San Lorenzo  na sangkot sa kasong frustrated murder, at Arturo Padin y Dailogo, 59, tubong Bicol,  na sangkot sa kasong RA 7610, Condrado Bolanio Y Nuñez, 42, tubong Camarines Sur, sangkot sa kasong Estafa at Dexter Mercado y Torres, 43-anyos, na tubong Quezon City at wanted sa kasong theft. THONY ARCENAL

Comments are closed.