7 NEGOSYONG PATOK SA PANAHON NG LOCKDOWN

homer nievera

KUMUSTA na, ka-negosyo? Halos mag-iisang buwan na tayong naka-lockdown at kung ngayon ka pa lang napadpad sa pitak kong  ito, malamang nahanap mo ito sa pagbabakasaling may mga kasagutan tayo kung paano magkakapera sa panahon ng lockdown.

May mga ilang kasagutan naman ako diyan sa iniisip mong itanong. Sana, makatulong din tayo kahit papaano.

Maraming negosong patok na aking puwedeng ilahad sana ngunit dail limitado naman ang espasyo natin (kahit online pa ito), pipili na lang tao ng mga nagosyong

kaya mong magawa kaagad  o kaya’y siguradong swak sa mga kostumer.

O siya, tara na at matuto!

#1 Washable Face Mask

Kaninang umaga, gamit ang isang portable na Singer na sewing machine, nakagawa ang maybahay ko ng isang face mask na maaaring malabhan. Bakit ito ang kanyang naisip gawing proyekto?

Simple lang. Bukod sa kakaunti lang naman  talaga ang mabibiling face mask, disposable pa ang mga ito. Kaya dito, makikitang maraming nangangailangan ngunit kakaunti o halos walang supply.

Kaya dahil washable ang ginawa ni misis, paulit-ulit itong puwedeng gamitin. Sa totoo lang, mayroon ka rin namang mabibili na ganito ngayon, tama? Pero pare-pareho ang mga ito. Manipis o kaya’y mainit.

Ang gawa ni misis, 3-ply o  tatlong tela ang magkakapatong at gawa sa cotton, kaya ‘di mainit. Nilagyan pa niya ng bulsa sa gitna na puwedeng lagyan ng tissue paper para mas protektadong pangharang sa virus. At ang tissue ay disposable kaya kahit buong araw, ang tissue lang ang papalitan mo. Sa pagkakataong ito, inobasyon ang aming

ginawa at may karagdagang halaga o value para sa kostumer.

May makukuha kang pattern nito sa Youtube para bukod sa makagagawa ka para sa inyong pamilya, maaari mo na rin  itongpagkakitaan.

#2 Masustansiyang Pagkain

Lahat ng tao ay kumakain, ‘di ba? Kaya alam mong siguradong may merkado. Ang tanong na lang ay kung anong klaseng pagkain ang iyong iluluto.

Una, dahil mas maraming tao ang nag-stock ng mga de lata, noodles at kung ano-ano pang pagkaing naproseso, kakailanganin na rin ng mga tao ang masusustansiyang

pagkain. Siyempre, alam naman natin na dapat malakas ang ating katawan  at resisistensiya upang mapaghandaan ang pananalasa ng  coronavirus o COVID-19.

Kaya naman ang pagbebenta ng mga iba’t ibang uri ng masusustansiyang pagkain ang

puwede mong pagkakitaan. ‘Di naman tumigil ang pagdating ng mga supply na gulay, prutas at iba pa, kaya nasa imahinasyon mo na lang ang maaari mong ibenta.

Ang maganda nito ay ang pagkakaroon ng maraming naka-post sa social media na mga recipe. Tingnan mo kung ano ang kaya mong gawin at iyong  subukan.

#3 Mga Produktong Panlinis at Pang-Sterilize

Ang una mong naiisip dito ay ang alcohol, tama? Siyempre, naisip mo ito dahil ito’y pangunahing ginagamit para sa ating mga kamay at kung saan-saan pa upang mapuksa ang coronavirus.

Ngunit bukod sa kontroldao ng gobyerno ang presyo nito (may panuntunan ang DTI para rito at iba pang panunahing mga produkto), ma-hirap din makakuha ng supplier na ‘di nagsu-spply sa mga tindahan.

Pero may kilala akong ang  ninegosyo ay alcohol na may kasamang mosituriser o kaya’y mabango ang amoy. Kaya sa pagkakataong ito, may inobasyong kasama para maiba na rin sa karaniwan.

Tandaan din na maraming klase ng panlinis at pang-setrilize na iyong maibebenta. Bukod sa gamit sa katawan, naroon ang mga panggamit sa bahay at sa kapaligiran.

Mas mainam din kung makagawa ka ng organic o natural na sterilizer. Kaunting pagsasaliksik lang o ang paghahanap ng mga supplier, makapag-uumpisa ka rin ng negosyong ito.

#4 Trabahong Ini-outsource

Dahil na rin sa naka lockdown, marami sa ating mga kababayan ang maaaring nawalan na rin ng trabaho. Kung ikaw ay napabilang doon at ikaw naman ay mga kasanayang magagamitbilang freelance o virtual assistant, maraming mga trabahong maaaring ma-outsource sa iyo.

Ang isa sa mga trabahong ini-outsource ng mga kompanya,  local man o abroad ay ang accounting. Sa lahat kasi ng negosyo ay kinakailangan ang ganitong trabaho. Kaya kung ito ang kasanayang alam mo, may makukuha kang mga kostumer para rito.

Narito ang ilang trabaho na maaring mai-outsource sa iyo at tuluyan mo na ring  maging negosyo: pagsusulat, social media, phone support, IT support, encoding, research, graphic design, web development, at marami pang iba.

Paano magsimula? Gumawa ka ng iyong Facebook Page na naglalarawan  ng iyong mga kasanayan. Kung mayroon kang kasanayang gumawa ng website, mas mainam. Puwede ka rin namang gumawa nito gamit ang tulad ng Wix.com. Ang mahalaga ay makita ka nila online.

Maaari ka ring  pumunta sa mga website gaya ng Freelancer, Guru, Upwork, Twago, at iba.

#5 Mga Kagamitang Pang-Home Office

Dahil na rin maraming tulad mo ang naka-quarantine o kaya’y naghahanap na ng mga trabahong gagawin sa bahay, dadami na rin ang mangangailangan ng mga gamit para mas mapaayos ang pagtatrabaho sa bahay.

Isipin mo ang mga desk organizer, mga upuan, ilaw o pati na rin ang mga computer at iba’t ibang gadgets na kakailanganin ng isang home office. Kung ikaw ay may mga kilalang supplier nito na ‘di naman talaga makapag-bukas ng tindahan, puwede mo silang tulungang magbenta o i-ahente ang kanilang mga produkto. Tandaan na ang pag-aahente ay isa pa ring paraan ng pagnenegosyo.

#6 Mga Kagamitang Pang- Kusina at Pang- Sala

Siguro naman ay napapansin mo na mas nasa kusina ang mga tao ngayon  dahil na rin hindi sila makakain sa mga restawran.  Simulan mo sa paghahanap ng mabebentang simple lang gaya ng  LPG, iba’t ibang panlasa o spices, o kahit na mga kaldero at kaserola pa ‘yan.

Ang mahalaga ay alam mo kung saan  naglalagi ang mga tao kapag lockdown – sa kusina!

Bukod sa kusina, nasa sala ang mga tao at nanonood ng Netflix at iba pang mapapanood. Kung nandoon sila, ano ang  mga bagay-bagay ang kanilang kakailanganin? Mula sa

mga kutson hanggang  sa accessories gaya ng portable table tray at iba pa.

Maging malikhain ukol dito. Tandaan na kung kulang ang supplier sa mga ito, baka naman puwedeng ikaw na ang maging fabricator  ng mga ito.

#7 Consulting

Ito ang isa sa pinakamadaling umpisahang negosyo bilang isang serbisyo  na naaayon sa iyong personal na kasanayan.

Maaari mo na agad itong simulan lalo  na kung gamay mo ang isang industriya o kasanayan na sa totoo lang, ekperyensiya  mo lang ang puhunan. Malawak ang negosyong ito at ang bayad sa mga  consultant ay depende sa serbisyong ibibigay mo.

Kung IT consultant ka, tiyak na maraming nangangailangan nito dahil maraming kompanya ang nais tumakbo ang kanilang sistema 24/7.

Ang payo ko lang ay siguraduhing sapat ang kaalaman mo. Kung sa tingin mo ay kulang pa, mag-aral ka online.

Konklusyon

Maaaring marami kang pangamba at agam-agam sa mga nangyayari  ngayon. Ang mahalaga ay ang pagiging positibo sa iyong pananaw. Huwag kang magpapatalo sa mga negatibong balitang  nasasagap mo. Huwag kang magpaapekto at higit sa lahat ay maging ligtas.

Sa lahat ng bagay, patuloy kang magdasal at manalig sa Diyos.

oOo

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang [email protected].

Comments are closed.