NASA 7 percent ng mga Pinoy ang gustong magtrabaho sa ibang bansa, partikular sa Canada, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Miyerkoles.
Sinabi ng SWS na ang Canada ang “the most cited country where one aspires to work.”
Lumabas din sa survey na ang iba pang top destinations para sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay kinabibilangan ng Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates, Japan, Qatar, at US.
Ayon pa sa survey, 7 percent ng Filipino households ay may family member na nagtatrabaho sa ibang bansa. May 75 percent ng pamilya na may overseas Filipino worker (OFW) na kasalukuyang nasa ibang bansa ang nagsabing “madalas” silang makatanggap ng pera mula sa kanilang OFW family members, 17 percent ang nagsabing “minsan”, 5 percent ang “bihira”, at 3 percent ang “hindi kailanman” nakatanggap ng remittances.
Ang survey ay isinagawa sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa na may margin of error na ± 2.8 percent.