INIHARAP sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Nigerian National matapos maaresto dahil sa catfishing at love scam o sa pamamagitan ng panliligaw sa mga babaeng Filipina sa Imus, Cavite.
Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga dayuhan na sina Orisakwe Ifeanyi Emmanuel, Ikenna Dickson Okalla, Chukwuma George Adible, Chiboy Stanley Agbasy, Dim Remedios, Abas Kashmir at Uba Living.
Ang mga Nigerian ay naaresto base sa search warrant na inisyu ng RTC Branch 21, Imus, Cavite laban sa occupants ng Unit 315 Isabel Building, Urban Deca Homes Hampton, Brgy. Buhay na Tubig, Imus.
Nakipag-ugnayan sa pulisya ng Cavite ang NBI at sinalakay ang tinutuluyan ng mga suspek kung saan nagwala si Orisakwe at pinaputukan ang mga operatiba at naawat.
Ngunit muling nagwala si Orisakwe at dinampot ang granada kaya pinaputukan siya ng operatiba at nahulog ang hawak na granada na hindi naman sumabog dahil nakakabit pa ang pin.
Narekober sa unit ng nasabing grupo ang mga laptop, cellphone, skimming device, granada, .9mm pistol at 8 bundle ng pekeng dolyar.
Sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1866 (Law on Explosives) , RA 10591 (Comprehensive Law o Firearms and Ammunition), RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) in relation to RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) laban sa mga suspek. PAUL ROLDAN
Comments are closed.