KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naitalang bagong nasawi sa mga Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa DFA, pitong Pinoy COVID patients ang naitalang ang naka-recover o gumaling sa naturang sakit mula sa dalawang bansa sa Asia Pacific.
Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang pagsisikap ng kanilang mga personnel sa foreign service post upang imonitor ang sitwasyon ng Filipino community sa ibang bansa gayundin ang ligtas na pagpapauwi sa mga Filipinong stranded mula sa iba’t-ibang mga bansa.
Umaasa ang DFA na mas maraming bilang ng mga Fililpino sa abroad ang makaka- recover sa COVID-19 sa mga susunod na araw.
Nasa 9,757 pa rin ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy abroad.
Kasama sa nasabing bilang ang 3,259 ang nanatiling ginagamot sa mga hospital habang umabot na din sa 5,790 ang bilang naman ng gumaling sa naturang sakit.
Nananatili pa rin sa 708 ang bilang ng mga nasawing Pinoy sa abroad dahil sa COVID-19 mula sa 72 mga bansa at rehiyon. LIZA SORIANO
Comments are closed.