PITO pang mga Pilipino sa Shanghai, China ang tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Consul General Josel Ignacio, umakyat na sa 17 ang kabuuang bilang ng COVID-19 infections sa mga Pinoy sa nasabing lugar.
Sa nasabing bilang, tatlo ang nakalabas na mula sa isolation facilities habang 14 naman ang aktibong mga kaso.
Mababatid na pinaiiral ng China ang zero-covid strategy, kung saan nagtupad ito ng mga lockdown, mass testing at travel restrictions upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Muli namang sinabi ni Ignacio na magkakaloob ang pamahalaan ng food assistance sa mga Pinoy na naapektuhan ng lockdown.
Magbibigay rin ang Overseas Workers Welfare Administration ng $200 sa mga Pinoy na dinapuan ng coronavirus. DWIZ882