DADALHIN sa Paris ang pitong (7) kilala at gustong-gustong Filipino fashion accessory at ready-to-wear brands para isali sa Premiere Classe fashion trade show na gaganapin sa ika-27 hanggang 30 ng Setyembre 2019.
Ginaganap taon-taon mula noong 1989 at nangyayari tuwing Paris Fashion Week, ipinapakita ng Premiere Classe ang fashion design at accessories ng mga brand at disenyo mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Nakapagrehistro ang okasyon ng mahigit sa 10,000 bisita bawat taon kasama ang mga buyer at media editors sa loob ng apat na araw. Ito ay isang international platform para sa mga gumagawa at nagdidisenyo ng fashion accessory para maipakita ang kanilang mga produkto sa mga kategoryang kasama ang mga alahas, footwear, bags, leather goods at ready-to-wear items.
Inorganisa ng Department of Trade and Industry’s Center for International Trade Expositions and Missions (DTI-CITEM), na ang pangunahing misyon ay itaguyod ang Filipino brands at makilala ang mga talento sa international market, ipinagmamalaking kinatawan ng Filipinas sa Premiere Classe ngayong taon ang mga kilalang lokal na brands— Aranáz, Beatriz Accessories, Mele + Marie, Joanique, at Zacarias 1925 na ipapakita ang kanil-ang bags and accessories; Merriam Batara para sa mga alahas; at Filip + Inna’s ready-to-wear line na sasali sa kompetensiya.
Una sa Philippine delegation lineup ay Aranáz, na itinayo ni Becky, Amina at Rosanna Aranaz noong 1999. Patuloy si Aranáz sa pananatili ng kanyang followers sa pagdaan ng taon at patuloy na sumisikat sa ibang bansa sa paggawa ng masinop at handmade bags na siyang naging signature balance ng polished at artisanal gamit ang indigenous materials tulad ng abaca, raffia, at wicker.
Ang Beatriz Accessories naman na itinayo ni chief designer Carissa Cruz Evangelista na naghahandog ng mas luxurious take sa handcrafted bags na may clutches na gawa sa masayang kulay at kombinasyon at maganda sa mata na graphic details. Ganundin ang para sa Mele + Marie’s elegant purs-es. Nilikha ng husband-and-wife team na sina Melecio at Rosemarie Oamil, ang kanilang brand na gamit ang iridescent abalone shells at lightweight acrylic.
Itinayo nina designer Malou Romero noong 2011 ang Joanique kung saan ay may cultural reference ang kanilang contemporary bags at accessories. Zacarias 1925, na may progresibong disenyo ng architecture, art, at cinema. Pinaghalo ni designer Rita Nazareno ang mga materyales tulad ng leather at shaped rattan na dagdag sa kanilang personality pieces.
Dala ng brand ang kani-kanilang kakaibang estilo para maipakita ang local materials, styles, at pagkakagawa na lalong nagpatingkad sa fashion’s visual codes ngayong panahon.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa okasyon, at sa iba pang produkto, bisitahin ang citem.gov.ph.
Comments are closed.