7 PINAY PASOK SA MOST POWERFUL WOMEN ASIA 2024 LIST NG FORTUNE

PITONG Pinay ang pasok sa Fortune Most Powerful Women Asia list para sa 2024.

Ayon sa Fortune, mahigit kalahati ng nasa listahan ay chief executive officers sa Fortune 500 at Global 500, na may 26 newcomers, kabilang ang players sa artificial intelligence, unicorn founders, at chief financial officers (CFOs).

Ang highest-ranked Filipina sa listahan ay si GCash President and CEO Martha Sazon, na ginabayan ang Philippine fintech giant sa $5 billion valuation ngayong taon. Si Sazon ay ranked no. 38 sa Fortune list ng 100 sa most influential women business leaders sa Asia.

Sumunod sa kanya si Robina Gokongwei-Pe
, Robinsons Retail Holdings president and CEO na nasa no. 48. Si Gokongwei-Pe, anak ni late John Gokongwei Jr., ang nangangasiwa sa Robinsons Retail Holdings na may network na mahigit 2,400 stores sa bansa at mahigit 2,000 franchised drug stores sa pamamagitan ng brands South Star Drug at The Generics Pharmacy, kasama ang supermarkets, department stores, consumer electronics, at appliance stores.

Nasa no. 67 si Lorelei Quiambao Osial
, Shell Pilipinas president and CEO. Si
Osial ang unang woman president at CEO ng Shell Pilipinas Corporation, makaraang italaga noong December 2021.

Sumunod sa kanya si Anna Ma. Margarita Bautista Dy
, Ayala Land CEO and president. Si Dy, ranked 73, ay itinalagang ALI president and chief executive officer noong October 2023, makaraang magsilbi bilang executive vice president and chief operating officer. Siya rin ang nag-iisang Pinoy na nakasama sa Forbes’ “Asia’s Power Businesswomen” list noong 2023.

Nasa no. 82 si Lynette Ortiz, 
Land Bank of the Philippines president and CEO. Si Ortiz ang 11th president and chief executive ng LandBank, makaraang italaga noong May 2023.

Ranked 85 naman si Lourdes Gutierrez-Alfonso
, presidente ng Megaworld. Si Alfonso ay umanib sa publicly listed property developer, anim na buwan makaraang itatag ito noong 1990, at kinuha ang president post na binakante ni billionaire Andrew Tan noong Hunyo.

Nasa no. 98 naman si Rhoda Huang
, Filinvest Development president and CEO. Si Huang ang unang tao sa labas ng Gotianun family na nagpatakbo sa Filinvest Development Corp., na may interest sa property development, hospitality, banking, at power.

Ang listahan ngayong taon ay pinangunahan ni Luxshare Precision Industry chairwoman and CEO Grace Wang, sumunod sina Oversea-Chinese Banking Corp. Group CEO Helen Wong, at Suntory Beverage and Food president and CEO Makiko Ono.