NANAWAGAN ang isang ranking leader ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa United Nation (UN) Security Council, mga bansang kasapi ng European Union (EU) at maging sa China na kumilos na para agarang masagip ang 12 crew members ng Swiss merchant ship MV Glarus, na dinukot ng mga pirata habang naglalayag sa karagatang sakop ng Nigeria noong nakaraang linggo.
Binigyan-diin ni House Deputy Majority Leader at KABAYAN partylist Rep. Ron Salo, sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay inoobliga ang lahat ng bansa na magtulungan para supilin at kumpiskahin ang anumang uri ng sasakyan na gamit at arestuhin ang mga gumagawa ng pamimirata.
Kaya naman umapela rin ito sa bansang kaalyado ng Filipinas kabilang na rin sa UN Security Council, European countries kasama na ang bansang China na magkaroon ng koordinasyon para maligtas ang mga dinukot na marino.
“With the abduction of seven Filipino mariners in Africa, now is one time when we need to ask our superpower allies to come to the aid of Filipinos,” ani Salo.
Sinabi nito, ang France, Russia, China, United Kingdom, at United States ay walang dudang mayroong malawak at maaasahang ‘military and civilian assets’ sa South Atlantic side ng Africa, partikular sa Gulf of Guinea kung saan nangyari ang pag-atake.
Itinuturing din ni Salo ang UN Security Council at European Union bilang ‘best open options’ para masagip ang mga dinukot na seafarers habang ang China naman ay maaaring makatulong para himukin ang ‘contacts’ nito sa West Africa para sa ligtas na pagpapalaya sa 12 hostages.
“We also need to send to Western Africa, a topnotch team of negotiators and problem solvers to help in the rescue efforts,” giit ng mambabatas.
Samantala, sa ‘update’ na ipinaabot ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Chief Hans Leo Cacdac kay Salo, sinabi nito na nakikipagkoordinasyon sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at manning agent Bright Maritime para mabatid ang sitwasyon ng pitong Filipino na kabilang sa mga dinukot.
“Last Tuesday afternoon, we received word from the ship owner that they received a genuine report that all 7 are alive and well. We will continue to get updates. Meanwhile, the families of the 7 seafarers will continue to receive the salaries and entitlements of their loved ones. Also, there are 5 other Filipino seafarers on the MV Glarus who were not abducted. They will be repatriated by next week,” nakasaad sa ulat ng OWWA administrator.
Tiniyak din nito na ang kanilang ahensiya gayundin ang nasabing local manning agent ay nakikipag-ugnayan na rin sa mga pamilya ng pitong biktima at lima na nakaligtas sa pag-atake ng African pirates. ROMER BUTUYAN
Comments are closed.