7 ‘POGO RESTOS’ ISINARA DAHIL SA TAX VIOLATIONS

BIR-2

PITONG establisimiyento sa Las Piñas na nagsisilbi sa Chinese employees ng offshore gaming firms ang isinara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa tax violations.

Ayon sa BIR South NCR unit, ang mga tinatawag na ‘POGO restaurants’ na pinatatakbo ng Frame Rose Ranes Salisi sa ilalim ng tradename na Young Restaurant at Shinedeligo Corp. ay ipinadlak dahil sa pagkabigong magbayad ng tamang value added tax.

Ang limang iba pang establisimiyento na saklaw ng closure order ay hindi umano nakarehistro sa tax bureau. Ang mga ito ay ang Jazzy Sam Videoke & Grill, Janna-Hissa Catering Services, Bottleground, Bigsun Food Stop, at Society Eight Lifestyle Concept Store.

“The establishments are said to be allied services to POGO operations since they predominantly serve the Chinese nationals employed by the latter,” ayon sa BIR.

Ang shutdowns ay nag-ugat sa Tax Compliance Verification Drive ng BIR South NCR , na target ang nighttime businesses na nag-ooperate sa lugar.

Ang mga establisimiyento ay inisyuhan ng 48-hour notice at five-day window para sa VAT compliance, subalit hindi tumugon ang mga ito.

“The required 48-hour notice and five-day VAT Compliance Notice were duly served but remained unheeded. As such, closure orders were recommended for the approval of the Deputy Commissioner for Operations.”

Comments are closed.