7 REBELDE PATAY SA GOV’T TROOPS

NORTHERN SAMAR -PITONG kasapi ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA ang napaslang ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulis kasunod ng inilunsad na joint-focused military operatios laban sa isang malaking grupo ng mga armadong terorista lalawigang ito.

Ayon kay JTF Storm and 8th Infantry Division Commander Major General Camilo Ligayo, bago ang madugong sagupaan nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa armadong kalalakihan na namataan sa Barangay Santander, Bobon.

Agad na naglatag ng joint focus military and police operation ang JTF Storm laban sa tinatayang nasa 40 armadong terorista na nakitang tumatawid ng nasabing barangay na pinangangambahang nagkukuta sa bulubunduking bahagi ng nasabing bayan.

Bukod sa pitong napatay na NPA ay may apat na high powered firearms din ang Nabawi mula sa Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU) at nalalabing tauhan ng dismantled Front Committee-2 (FC-2), Sub-Regional Committee (SRC) Emporium, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) na pinamumunuan ni Mario Sevillano alias Durok,

Ang grupo ng mga teroristang pinamumunuan ni Sevillano , tinaguriang kilabot na communist New Peoples Army Terrorist leader na sangkot sa serye ng karahasan at terorismo sa Northern Samar ay nakasagupa ng 803rd Brigade kahapon ng madaling araw nang matunton ang kanilang pinaglulunggaan.

Ayon sa ulat ng militar, heavily fortified ang kuta ng CTG at napapalibutan ng pinagbabawal na anti-personnel mines (APMs) kaya kinailangan pa ng mga sundalo na humingi ng close air and artillery support.

Matapos ang engkwentro , pitong bangkay ng mga hindi pa nakikilalang NPA Rebels ang nadiskubre habang isang R4 rifle, dalawang M16 rifles, isang AK47 rifle, isang international humanitarian law-banned anti-personnel mine at mga subversive documents ang nasamsam sa isinagawang clearing operation.

Habang patuloy na sinusundan ng military ang napakaraming bakas ng dugo sa dinaanan ng mga tumatakas na NPA , na indikasyon na marami ang din ang sugatan sa makakaliwang hanay.

Kaugnay nito nanawagan naman si Bobon Mayor Reny Celespara sa mga nalalabing kasapi ng CPP-NPA na sumuko at tumulong para umunlad ang kanilang bayan.

“Last year na clear natin ang mga eryang kinikilusan ng Front Committee 2 that prompted their dismantling sa tulong ng ating mga Local Chief Executives mas naunawaan ng ating mga residente ng Northern Samar ang kanilang responsibilidad sa pagresolba ng insurhensiya,” ani Maj. Gen. Ligayo.
VERLIN RUIZ