BULACAN-PITO katao ang nasakote ng mga awtoridad sa Tupada sa Brgy. Gaya-gaya sa siyudad ng San Jose del Monte sa lalawigang ito.
Sa inisyal na report ni PNP Provincial Director Col. Relly B Arnedo, kinilala ang mga nadakip na sina Romulo Blanco, Victor Pelicidario, Frodencio Austria, Alberto Serrano, Amadeo Merico, Oscar Barona Jr., at Jerry Quinonero, kapwa mga nasa hustong gulang residente sa nabangit na lugar.
Base sa imbestigasyon, nakatanggap ang mga pulis ng impormasyon kaugnay sa ilegal na sabong.
Nakumpiska sa mga suspek ang 2 tari at dalawang panabong na manok na pula at pera.
Samantala detenido ngayon ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. THONY ARCENAL