7 SANGKOT SA PAGBEBENTA NG POSISYON SA GOBYERNO ARESTADO

NBI-1

NASAKOTE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagbebenta ng posisyon o promotions sa gobyerno.

“You think of getting appointed, getting promoted, they are offering their services for a fee,” ani NBI Ilocos Regional Office Regional Director Ferdinand Lavin sa isang press conference.

Sinabi ni Lavin na sinasamantala ng grupo ang isang direktiba na nag-uutos sa mga presidential appointees na magsumite ng kanilang mga kredensyal.

Ayon pa sa NBI, sinasabi umano ng nasabing mga indibidwal na kapag appointee ng past administration ay maaring matanggal dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa pulitika kaya sinamantala nila at pinagsamantalahan ang piraso ng impormasyong ito.

Sinasabi rin umano ng mga naaresto na lilinisin at tatanggalin nila ang mga na-appoint noon saka sila nagbebenta ng posisyon at promotions.

Sinabi ni Lavin na naaresto ang mga indibidwal sa isinagawang operasyon sa Pasig City. Anim sa kanila ay nakasuot ng jacket na may insignia ng Malacañang at Office of the President.

Samantala, isa sa mga suspek ay dati nang naaresto ng NBI at mayroong 20 criminal at derogatory records. Kabilang rito ang estafa, illegal recruitment, usurpation of authority, paggamit ng alias, at pagtatago ng tunay na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pangalan.

“Hindi lang dito sa Metro Manila. Meron siyang mga kaso sa Cebu, Davao, Bulacan, Calamba, Laguna, and NCR. He had been doing this for more than 20 years already,” saad ni Lavin.

Sinabi naman ni NBI Director Jaime Bautista na ang mga naarestong indibidwal ay nagpakilala na assistant secretary ng Presidential Management Staff at inatasan siya na linisin ang burukrasya.

Kasunod ng operasyon, nakuha ng mga awtoridad ang isang laptop at mobile gadget mula sa mga naarestong indibidwal. Sila ay isinumite para sa forensic examination.

Nanawagan si Santiago sa publiko na lumapit at magsampa ngga reklamo laban sa mga suspek.

Aniya ang kaso ay bailable kaya maaring magtuloy-tuloy ang kanilang gawain kung hindi makipag-cooperate ang mga nabiktima nila upang magsampa ng reklamo.
EVELYN GARCIA