KAPILING na ng pitong mandaragat ang kani-kanilang pamilya makaraang makauwi ang mga ito Martes ng gabi mula sa ilang taong pagkakapiit sa Libya dahil sa sinasabing oil smuggling.
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga seaman na nakilalang sina Capt. Arthur Talino, first officer Florencio Eulogio, 2nd officer Claro Allera, 3rd officer Abraham Nodunga, chief Engineer Ronie Moneba, 2nd engineer Gil Crusada, at 3rd engineer Alvin Emperata.
Matatandaang hinuli ang mga ito ng Libyan Coastguard dahil pinaghihinalaan na nag-i-smuggle ng milyon-milyong litro ng langis.
Hinatulan ng Libyan court ang mga ito ng apat na taong pagkakulong, ngunit sa kanilang apela at pinawalang sala sila ng Libyan High Court nitong Pebrero 28.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga asawa ng mga Pinoy seafarer ang dapat pasalamatan dahil sila ang nagpursige para makalabas na ng piitan ang kanilang mga mister.
Nangako naman ang pamahalaan na bibigyan ng tulong ang mga seafarer upang makapagsimula o makahanap ng trabaho sa bansa. FROI MORALLOS
Comments are closed.