PASAY CITY – MAKARAANG mapawalang sala sa kasong pagpuslit ng langis, pauwi na sa bansa ang pitong Filipino seafarers.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) at nagpasalamat sa pamahalaan ng Libya sa pagpapahintulot na makauwi na ang mga Pinoy na nadawit sa nasabing kaso.
Una nang kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., na pinawalang sala ng Libyan authorities ang naturang seafarers na dinakip ng gobyerno noong 2017.
Kinilala ang mga Pinoy na napawalang sala na sina Arthur Soria Taleno, master; Fulgencio Pederito Eulogio, first officer; Claro Camintay Allera, second officer; Abraham Senara Naduma, Jr., third officer; Ronnie Lumales Moniya, chief engineer; Gil Dellupac Cruzada, second engineer; at Aldwin Salang-oy Emperada, third engineer.
Batay sa ulat, idinawit ang pitong mandaragat sa pagsabotahe ng 6 milyon litro ng krudo.
Isinakay ang pito sa MT Levante kasama si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Affairs Abdullah Mamao. AIMEE ANOC
Comments are closed.