7 SIMPLENG TIPS SA PANG-ARAW-ARAW MONG PAGNENEGOSYO

homer nievera

ANUMAN ang liit o laki ng negosyo mo, pare-pareho lang naman ang pinagdaraanan mong mga hirap. Ang mga balakid na ito ay kayang-kaya mong maungusan kung gagawin mo ang mga bagay na ito.

#1 Ang Pagsabi ng  “No” (Hindi/Huwag)

Mahirap bang tumanggi sa mga imbitasyon? Madalas, ganyan din sa mga proposal sa mga negosyo  mo lalo  na kung kilala mo ang kausap. Pero sa larangan ng pagnenegosyo, dapat alam mo kung kailan ka dapat tumitindig at nagsasabi ng “No.” Ang paggawa na ito ay hindi ganoon  kadali pero nagsisimula ito sa tono ng boses mo na may seryoso at mababang pagbigkas. ‘Di kailangang may kaunting taas o galit. Ang mahalaga ay ang malumanay ngunit  may pagtindig sa prinsipiyo. Sa huli, ang mga kausap mo ay makakakita ng sinseridad sa ‘yo lalo na sa larangan ng pagkakaroon ng isang salita.

#2 Balanse ng Buhay at Trabaho

Mayroon  tayong tinatawag na work/life balance na dapat  pangalagaan sa ating pagnenegosyo. ‘Di lahat ng bagay ay dapat umiikot sa trabaho dahil ang lahat ng ginagawa natin ay para sa mas mataas na antas na siyang ating buhay at pamilya. Ayusin ang iskedyul mo para maging balanse ang buhay at trabaho. Magkaroon ng panahong makasama ang mga kaibigan na labas sa pagne-negosyo. Maglaan ka ng oras para sa mga gawaing magpapasaya sa puso mo at magpapatalas ng pag-iisip. Tandaan na ikaw  dapat ang prayoridad  kung nasa oras ka ng “life.”

#3 Mag-outsource ng gawain

Ito marahil ang isa sa mga sikreto ko bilang negos­yante. ‘Di ko kinukuha ang lahat ng trabaho at sa halip ay akin itong ibinaba-hagi. ‘Di basta delegasyon  ang tawag dito ngunit pag-outsource. Maraming bagay ang dapat na ina-outsource ngunit ang dapat na ma­ging basehan ay ang mga trabahong ‘di mo naman “core competence” o sadyang ‘di ka eksperto sa mga ‘yun. Madalas, mas makatitipid ka pa lalo na kapag nakita mong mas mabilis ang trabahong iyong in-outsource sa iba.

#4 Pagkakaroon ng  Breaks

Ang pagpapahinga sa trabaho ay mahalaga. Para rin tayong makina na kinakailangan ng paghinto upang  makaipon na muli ng lakas. Ang pagtulog ay sadyang isa sa pinakamahalagang uri ng breaks. Noong araw, ang siyesta sa opisina ay normal. Kung saan pagpatak ng alas-dose ng tanghali hanggang ala-una, pinapatay ang ilaw at nagsisiyesta ang mga tao matapos ang pananghalian. Sa ngayon ang breaks ay ang pagpunta sa iba’t ibang lugar kung saan ika’y magpapalakas muli. Kasama na riyan ang  yoga, Zumba at iba’t ibang uri ng ehersiyo.

#5 Bukas na Komunikasyon

Nadiskubre ko na mas mainam ang bukas na komunikasyong  personal kaysa  electronic gaya ng email o text. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon  ay upang mapanatili ang kaayusan ng relasyon saan mang bagay ng negosyo o sa personal na pa-mumuhay. Kung sarado ang linya ng komunikasyon, babagal ang ugna­yan at hihinto ang maraming aspeto ng pagnenegosyo. Sim-ulan sa one-on-one meetings at tinatawag kong “stand-up meetings” kung saan ‘di na kailangang pormal ang pag-uusap. Lumabas din minsan kasama ang mga empleyado  o mag-outing.

#6 Pag-analisa ng mga dating Problema

Anumang naging krisis o problema noong mga nakaraan  sa negosyo ay kailangang pahalagahan. Huwag hahayaang walang na-tutunang aral dito para ‘di na maulit. Ang simpleng aksiyon  dito ay ang pag-analisa ng mga ito. Magkaroon ka ng panahon para gawin ito at gumawa ng mga rekomendasyon sa mga tauhan para maging maagap sila sa pagsugpo ng mga susunod na problema.

#7 Laging Positibo

Sa gitna ng kahit na anong unos, ang pagiging positibo  ay laging panalo. Sa lahat ng bagay, huminga lang nang malalim, mag-dasal at panatilihin ang ma­linaw na pag-iisip. Kung nega ka sa pagharap sa krisis, talo ka na agad. Be positive and stay positive!

Ilan lang ‘yan sa mga simpleng paraan upang magtagumpay sa negosyo mo sa bahay. Maging masinop  at matiyaga. Darating din ang araw ng tagumpay.

Comments are closed.