7 STRATEGIES SA TAMANG PAGGASTOS NG IYONG SUWELDO

  1. TANTYAHIN ANG IYONG MGA PANINIWALA SA PERA

Malaking tulong sa pagbuo mo ng istratehiya upang makamit ang nararapat na kita para sa iyo ang alamin mo kung ano ang totoong paniniwala mo sa pera.

Ano ang nararamdaman mo sa mga taong nakikita mong maraming pera ngunit hindi alam kung paano ito hahawakan? Ano ang pakiramdam mo sa mga taong gumagamit ng mga mamamahaling damit, bag at iba pang kagamitan?

Sa ganitong paraan malalaman mo kung paano ang mga hakbangin upang pangalagaan mo ang iyong kita at ang tamang paghawak sa iyong pera.

  1. MAGHANAP NG MGA SALE O BARGAIN

Hindi nakabababa ng pride o ng ego ang paghahanap ng mga bargain.  Malaking tulong ito hindi lamang sa iyong negosyo kundi maging sa iyong sarili.  Sa ganitong paraan makakatipid ka nang husto at makukuha mo ang perang dapat mong ilaan sa iyong sarili.  Huwag mahiyang magtanong kung mayroon kang discount o incentive sa mga bibilhin mong produkto.

Kasabay nito, huwag ka ring mahihiyang i-promote ang iyong mga produkto kasabay ng mga naglalakihang produkto. Ipaliwanag ang mga impormasyon hinggil sa iyong produkto o serbisyo sa lubos na mauunawaan at ipaliwanag ang benepisyo nilang makukuha.

  1. ITURING ANG IYONG SARILI BILANG HIGHLY PAID PROFESSIONAL

Makabubuting pangarapin mo ang iyong sarili na maraming pera.  Mas magiging malaking hamon sa iyo kung papangarapin mong maging isang milyonaryo o milyonarya. Ito ang magbubunsod sa iyop upang magsikap para madagdagan ang iyong kita.  Sabi nga nila kung may pangarap ka alam mong may patutunguhang magandang direksyon ang iyong buhay. Walang masama sa pangangarap, sabayan lamang ng pagsisikap at tiyak itong makakamit.

  1. IDISENYO ANG IYONG NEGOSYO BILANG KAKAIBANG KARANASAN SA IYONG MGA CUSTOMER

Sa dami ng mga pare-parehong negosyo ngayon, marami sa mga customer ang naghahanap ng kakaiba sa kanilang tatangkiliking produkto o serbisyo.  Mas makabubuting maghanap ka ng mga maiaalok sa iyong mga customer na kakaiba upang babalik-balikan ka nila at tiyak ang malaking kita para sa iyong negosyo.

  1. HUWAG MAGSAWA SA PAGRE-RESEARCH

Mag-ukol ng panahon upang alamin kung ano ang ginagawa ng iyong mga kalaban sa negosyo.  Alamin ang hinahabol sa kanila ng mga customer.  Sa ganitong paraan, alam mo kung paano lalaban at kung paano mo pagagandahin pa ang iyong negosyo o serbisyong iniaalok sa mga customer.

  1. UNAHIN ANG IYONG SARILI

Isa ka bang hardworking pero sa tingin mo ay hindi sapat ang iyong nakukuhang benepisyo? Isipin mo palagi na higit sa lahat, importanteng sapat o may tamang katumbas ang iyong mga pinagpapaguran.  Kung sa tingin mo ay hindi sapat ang nakukuha mo sa iyong negosyo o sa trabaho panahon na upang mag-isip at maghanap na ibang pagkukunan ng kita na alam mong katumbas ng igugugol mong pagod.

  1. PANATILIHIN ANG FOCUS

Dapat palagi kang updated sa mga nangyayari sa iyong industriya. Kapag mas marami kang nalalaman, mas malaki ang iyong kikitain.  Mas makabubuti hanggang maari ay maging advance ang iyong kaalaman sa iyong iniikutang mundo upang sa ganun ay mas madali kang makapagdagdag ng mga kita.