BULACAN – KULONG ang pito katao na nahuling nagsusugal habang tatlong iba pa ang arestado ng pulis sa magkahiwalay na bayan sa lalawigang ito.
Sa report na tinanggap ni Acting Provincial Director P/Col. Lawrence Cajipe, nadakip ang mga sugarol sa siyudad ng Meycauayan at bayan ng Norzagaray.
Mahigpit na ipinatutupad ang marching Order ni PNP Chief, Gen. Archie Gamboa na ipagbawal ang lahat ng uri ng sugal sa buong bansa kabilang ang tong-its, sakla sa patay, binggo at iba pa.
Nabatid na nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek na sina Leonila Pasuquin, Romy Buising, Luicito Estacio, 48, at Joan Buising, mga residente ng Brgy. Malhacan, Meycauayan na pawang nahuli sa akto habang nagpupusoy.
Samantala, dinakip din sina Liezel Estrada, tubong Caloocan, Marie Ramos, ng Nueva Ecija at Alma Rapallo, ng Surigao Del Sur, kapwa residente ng Brgy. Bitungol, Norzagaray habang nagto-tong-its.
Kalaboso rin ang tatlong iba na taga-Baliwag. THONY ARCENAL
Comments are closed.