LANAO DEL SUR-DALAWANG tauhan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at pitong sundalo ang sugatan sa pagsabog ng itinanim na landmine sa bayan ng Buadiposo-Buntong.
Sa ulat ng Philippine Army 103rd Infantry Brigade, isa sa mga sundalo na nagbabantay sa mga mangagawa ng National Grid Corporation of the Philippines ang aksidenteng nakatapak ng itinanim na bomba ng hindi pa nakikilalang grupo sa may paanan ng transmission tower Buadiposo Buntong.
Naganap ang pagsabog bandang alas-7:00 ng umaga saktong nagsasagawa ng pagsusuri sa isa sa 138-KV transmission line towers ang mga NGCP linemen, kasama ng sundalo na nag- trip noong nakaraang Linggo.
Agad na itinakbo sa isang pagamutan sa Marawi City ang mga sugatang sundalo mula sa 55th Infantry Battalion at dalawang lineman.
Ayon kay Brigadier General Jose Maria Cuerpo II, commander ng Army’s
103rd Infantry Brigade, kasalukuyan pa nilang tinutukoy ang armadong
grupo na responsable sa landmine attack.
Nanawagan naman ang NGCP sa mga local leaders na tulungan sila na
kilalanin ang mga responsible sa pagtatanim ng bomba sa kanilang transmission line base.
Dalawang helicopters mula sa Philippine Air Force na nakabase sa Lumbia, Cagayan de Oro, ang naaatasang para ma-airlift ang mga biktima.
Habang isa pang chopper ang inatasang lumipad para magsagawa ng surveillance operation sa posibleng damages at lugar na maaring tinakbuihan ng mga suspek. VERLIN RUIZ
Comments are closed.