NILINAW ng Philippine Army na pito at hindi walo ang nasawi sa kanilang hanay dahil sa COVID-19 sa Philippine Army.
Sa datos na inialbas ng PA, ma roon silang deathtoll na walo .
Ayon kay Army Spokesman Col . Xerxes Trinidad, pito lang ang nasawi dahil ang pangwalo ay hindi naman military kundi dependent ng sundalo.
Sa kasalukuyan ayon kay Trinidad, may roon silang 58 suspected covid cases; may 112 na probable case; habang umakyat na sa 115 ang
Active Confirmed case na nilalapatan ngayon ng lunas.
Sa kabuuan ay nasa 8,846 ang total na bilang ng mga Covid cases na gumaling base sa cumulative data na nakalap ng Philippine Army mula nang makapagtala sila ng COVID-19 cases hanggang kamakalawa 08 Nov 2021. VERLIN RUIZ