MAGUINDANAO DEL SUR- PITONG miyembro ng Philippine Army ang pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasugatan sa madugong engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Army 6th Infantry Division at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) Karialan Faction nitong Lunes sa Datu Saudi Ampatuan sa lalawigang ito.
Mismong si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., at 6th ID Commander Lt.Gen Alex Rillera ang naggawad ng medalya sa mga sugatang sundalo bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo, matiyak lamang ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon
Tiniyak ni Brawner sa mga tauhan ng pamahalaan na makakasiguro sila sa suporta ng ng Hukbong Sandatahan at matatangap nila ang pinakamahusay na medical care and assistance para sa kanilang paggaling.
Isinagawa ang seremonya sa Camp Siongco Station Hospital sa Headquarters ng 6th Infantry Division, Camp Siongco, Awang, DOS, Maguindanao del Norte kung saan naka-confine ang mga sundalo at nagpapagaling.
Ang mga nakatanggap ng medalya ay sina 2nd Lt. Knigle A. Bastian, Sgt. Oliver F. Lanestosa, PFC Gerald B. Alawin, PFC Michael Composo, Pvt. Jay-R T. Alocada, pawang miyembro ng 1st Scout Ranger Battalion; PFC Jereco A. Watil ng 92nd Infantry Battalion, at SSg. Rold O. Romualdo ng 99th Infantry Battalion.
Bukod sa medalya, nagbigay din si Maj. Gen. Rillera ng cash assistance, groceries at isang basket ng prutas sa mga sugatang sundalo sa tulong ni Lt. Col. Erwin E. Felongco, ang Assistant Chief of Staff for Personnel, G1.
Matatandaan, nasugatan ang pitong sundalo sa engkwentro sa 15 miyembro ng BIFF-Karialan faction na nagresulta sa pagkamatay ni BIFF leader Mohiden Animbang alyas “Kumander Kagi Karialan”, chairman ng BIFF-KF, kapatid nitong si Saga Animbang, operation chief ng BIFF-KF, at sampung iba pa sa Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Pinapurihan din ni Brawner ang mga tauhan ng 1st Brigade Combat Team kasama ang mga elemento ng 1st Scout Ranger Battalion sap ag neyutralisa sa nasabing grupo matapos ang serye ng habulan at sagupaan Sitio Pendililang, Barangay Kitango.
Umaasa naman si General Brawner Jr. na matutupad nila ang itinakdang timelines para tuluyang mawakasaan ang kaguluhan sa Mindanao.
“As the nation honors its courage, the AFP remains firm in its mission to safeguard the welfare of the Filipino people and uphold the integrity of the nation,” ani Gen Brawner.
VERLIN RUIZ