CAVITE – MAY habang 7 talampakan ang nahuling sawa kahapon, ganap na alas-2:30 ng hapon habang gumagapang sa gilid ng ilog sa Brgy. Wawa I, Rosario sa lalawigang ito.
Naglalakad nang oras na iyon ang nakahuling 52-anyos na si George Caacbay nang makita na gumagapang ang mahabang sawa sa gilid ng ilog na may nakapulupot na lambat sa katawan nito.
Agad niya itong hinuli at dinala sa Brgy. Hall ng Wawa I para sa pansamantala nitong kaligtasan.
Ayon kay Brgy. Capt. Totoy Copon ng Brgy. Wawa I ng bayan na ito ay maaaring nanggaling umano ang naturang sawa sa magubat na lugar ng upland at inanod lamang sa kanilang lugar matapos ang maghapong pag-ulan na nagdulot ng pagtaas ng tubig sa ilog.
Inaaasahang ibibigay ngayong araw sa barangay ang naturang sawa sa tanggapan ng Municipal Enviroment and Natural Resources Office (MENRO).
Nabusalan na ng tape ang bibig ng sawa at naisilid na sa sako.
SID SAMANIEGO