TAHASANG INIHAYAG kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na malinaw na isa na namang paglabag ng Communist Party of the Philippine at ng armadong galamay nitong New People’s Army sa umiiral na International Humanitarian Law ang ginawa nilang pagdukot sa pitong katao sa Suriago del Sur.
Sa ulat ng military at pulis kahapon, pitong sibilyan kasama na ang dalawang mga bata ang dinukot ng mga rebelde sa boundary ng Tandag City at bayan ng Lanuza kapwa nasa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon kay 1st Lt. Jonald Romorosa ng Civil Military Operations (CMO), 36th Infantry Battalion, Philippine Army, ginamit pang human shield ang mga bihag matapos nilang itali at tangayin.
Sa impormasyong ibinigay ni P/ Brig. Gen. Gilberto Cruz, director ng Police Regional Office 13 (PRO 13), ang mga bihag ng mga terorista ay sina Ryard Juagpao Badiang, 24; Wendil Ambungan Delicuna, 25; Angelo Duazo, 34; Roel Fernandez Bulando, 23; Rodelo Molino Montenegro, 47; at isang 8 taong gulang at 12 anyos na mga bata.
Ang mga biktima anya na mga residente sa bayan ng Lanuza ay dinukot Huwebes ng umaga sa Sitio Pog ng mga miyembro ng teroristang grupo na nasa ilalim ni Joel Mahinay alyas Nico ng Sandatahang Platoon Pamproganda 1 (SPP1) ng North Eastern Mindanao Regional Committee.
Ayon sa isang saksi, dinala sina Badiang, Delicuna at Duazo sa Sitio Banahao, Maitom, Tandag City habang ang apat na iba pang biktima ay pinalaya kinahapunan.
Agad na ipinag-utos ni Lt. Col. Xerxes Trinidad, ang paglulunsad ng searh and rescue operation para mabawi ng ligtas ang nalalabing bihayag.
Pahayag pa ni Trinidad na ang sasanasabing insidente ay isang malinaw na manifestation na gusto lang ng mga rebeldeng grupong labagin ang batas at hindi rerespetuhin ang international humanitarian law lalo na’t kasama sa kanilang binantaan ay ang mga bata. VERLIN RUIZ
Comments are closed.