7 TAONG OPERASYON NG BATANGAS CITY GRAND TERMINAL MABUNGA

BATANGAS CITY GRAND TERMINAL

NAGKATOTOO ang lahat ng layunin at pa­ngarap ng namayapa at dating ALC Group of Companies Chairman Antonio L. Cabangon Chua, (na mas kilala sa tawag na Amba), para sa Batangas Grand Terminal na nasa Diversion Road, Brgy. Alangilan, Batangas City.

Sa loob ng pitong taong operasyon sa gabay ni ALC Group of Companies Chairman Edgard Cabangon, ang dating maalikabok na terminal na tanging bus at jeepney ang humihimpil, ngayon ay isa na itong progresibong transport hub at commercial place.

Kabilang naman sa naging susi para sa katuparan na maging sentro ng transportas­yon at pamilihan ang pasilidad ay sina Ms. Cecille Mendoza, ang terminal operations manager katuwang ang namayapang si Tata Boy.

“The Grand Terminal will soon be a place to go dahil sa mga itatayong shopping malls, chain of restaurants at iba pang atraksiyon,” una nang nabanggit ni Mendoza noon na ngayon ay natupad na rin.

Magugunitang sa panimula pa lang bago ang rehabilitasyon ng Batangas Grand Terminal na unang pinanga­ngasiwaan ng lokal na pamahalaan, sinabi ni Amba na maganda ang layunin niya sa nasabing pasilidad.

“Dahil lahat ng mga bus at jeep ay diyan hihimpil, gusto ko magkaroon ng pamilihan diyan, bagsakan ng mga gulay at iba pang kalakal,” ang sinabi noon ni Amba habang isinasaayos ang kompanyang mangangasiwa sa terminal, ang Batangas Ventures Properties and Management Corporation.

Naging masigla na ang lugar lalo na’t naitayo ang iba’t ibang tindahan at mga kainan.

Sumibol ang iba’t ibang establisimiyento gaya ng pagkakaroon ng commercial bank sa loob.

Sa pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo noong Agosto 20, si­nimulan ito sa banal na misa na pinangunahan ni Msgr. Alfredo Madlangbayan na sinundan ng maikling programa kasama ang kompletong paglahok ng buong empleyado ng terminal.

Bukod kay Caba­ngon, nakibahagi rin ang iba pang opisyal ng nasabing kompanya kabilang sina Numeriano B. Rodrin, executive vice president and general manager; Marvin C. Timbol, vice president for Finance; Benjamin V. Ramos, president and chief operating officer; Jose Antonio V. Rivera, vice president for Sales and Marketing; Cristy Villamor, Finance manager; Angelito D. Twaño, Administration manager; Evan N. Rojales, Human Resources manager; at Mariano Hilario,  Engineering Head. EUNICE C.

Comments are closed.