7 TAUHAN NG OFFICE OF CONSULAR AFFAIRS KINILALA

DFA

PASAY CITY-KINILALA ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) ang pitong empleyado ng Office of Consular Affairs dahilan sa kanilang exemplary  service o mahusay na pagtupad sa kanilang trabaho ngayong may malalang problema sa Coronavirus disease ( COVID-19)  pandemic

Iginiit ng DFA na nararapat lamang na bigyang pagkilala ang mga ito dahilan na rin sa malasakit at mahusay na serbisyong ibinibigay sa ating mga kababayan

Ipinagkaloob ni Foreign Affairs Undersecretary for Administration Eduardo Malaya ang plaques of appreciation sa mga natatanging empleyado.

Kabilang sa mga ito ay sina Passport Division: Leandro Luiz Manantan, Jefferson Jucar, Michael Ocampo, Lynn Pablo-Rivamonte, PJ Alexander Seguis, Rouzdy Sultan, at Steve Mark de Guzman.

Sa pamamagitan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., ipinaabot ni Undersecretary Malaya ang pagkilala sa nasabing personnel. LIZA SORIANO

Comments are closed.