NAAKTUHANG sumisinghot ng shabu ang pito katao nang madakip ng mga awtoridad sa Pasig City.
Kinilala ni Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya ang mga naaresto na sina Joaquin Nepomuceno, 46-anyos; Michael Hoper, 39-anyos na kapwa residente West Drive, Kapitolyo; Brando Santos, James Marin, Lenilyn Casabal, Roderick Arellano, 39-anyos at Catherine Fandialan, 41-anyos pawang mga nakatira sa Villa Susana, Brgy., Caniogan sa lungsod.
Nabatid na dakong alas-10 ng gabi nang arestuhin ng mga awtoridad ang mga suspek sa aktong nagpapalitang sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay sa No. 15 Villa Susana, Brgy., Caniogan, Pasig.
Narekober nina Cpl Jomar Castillo, Cpl Bryan Abude, Pat Ivan Jake Hermocilla, Cpl Jerico Armando Galimba, SSg Edmon Reyes ng Sub Station 2 Pasig City Police Station sa mga suspek ang 7 transparent plastic sachet na nalalaman ng shabu, strip aluminum foil, water pipe at disposable lighter.
Nauna rito, nakatanggap ang pulisya ng tawag na may kasalukuyang nagsasagawa ng “pot session” ang mga adik sa bahay ng isang James Marin sa No. 25 Villa Susana.
Dahil dito, agad nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng Pasig PNP na ikinadakip ng 7 suspek.
Kasong paglabag sa RA9165 Sec. 11,13 at 14 artcle ll ang kakaharapin ng mga akusado.
ELMA MORALES