NABAWI ang halos pitong toneladang fossilized giant clams (Tridacna gigas) na nagkakahalaga ng PHP28 milyon ng awtoridad sa Escalante City, Negros Occidental kamakailan.
Ayon sa report na inilabas ng Negros Occidental Police Provincial Office, natagpuan ang mga fossilized giant clams sa bahay ni Jasper Bacaron sa Hacienda Juliana sa Barangay Washington bandang alas-5 ng hapon noong Agosto 2.
Ininspeksiyon ang lugar ng mga tauhan ng Escalante City Police Station na pinangunahan ni Lt. Col. Necerato Sabando Jr., Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Negros Occidental provincial director Marian Jill Abeto, at Escalante City Executive Assistant Rolen Cabus.
Ayon sa police report, ikinumpisal ni Bacaron kay Cabus na ang may-ari o buyer na kasalukuyang pang pinaghahanap ay residente ng Barangay Vito sa kalapit na siyudad ng Sagay.
Hindi na inaresto si Bacaron dahil kusang loob niyang isinuko ang giant clams sa mga pulis.
Inilagay ang mga nabawing fossilized giant clams sa kustodiya ng BFAR-Provincial Fishery Office sa siyudad na ito.
Ang “Tridacna gigas”, na kilala sa tawag na “manlot” o “taklobo”, ang pinakamalaking buhay na hindi gumagawalaw na bivalve mollusk sa mundo. Ito ay makikilala na pinakamahinang species ng International Union for Conservation of Nature dahil ito ay nahaharap na sa high risk na maaaring mawala na.
Nitong Abril 2019, inaresto ang tatlong residente ng Sagay City nakinasuhan dahil sa pagtatago ng halos 1.5 tonelada ng fossilized giant clams.
Mayroon sila umanong buyer na nag-alok na bumili ng clams sa halagang PHP1,000 bawat kilo.
Ayon sa Section 102 ng Republic Act 10654 o binagong Philippine Fisheries Code ng 1998 na ilegal ang manguha, mamingwit, mag-ani, magbenta, bumili, magtago, magbiyahe, mag-export, mag-forward o maglabas ng aquatic species na nakalista sa Appendix I ng Convention on the International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna, o ang mga nasa kategorya ng International Union for Conservation of Nature and Natural Resources. PNA
Comments are closed.